Aligasyong pinahihirapan ang mga magsasaka dahil sa real property tax…, itinanggi ni Gov. Espino.

Mariing itinanggi ni Governor Amado T. Espino Jr., ng lalawigan ng Pangasinan na pinahihirapan niya ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pangungulekta ng mataas na singil sa buwis o ang Real Property Tax o RPT.

Sinabi ni Gov. Espino na totoong 70% sa mga lupain dito sa Pangasinan ay maituturing na pang agrikultura pero hindi umano ang mga magsasaka na mismong nagmamay-ari nito kundi ang mga mayayaman nilang mga amo.

Kung meron man umanong magsasaka na nagmamay-ari ng isa hanggang tatlong ektarya ng agriculture land ay hindi na rin maituturing na marginalized farmer dahil milyon din umano ang halaga ng kanilang lupain.

Iginiit ng gobernador na hindi tama na sabihing pinahihirapan niya ang mga mahihirap na magsasaka sa paniningil ng buwis dahil hindi naman sila ang diretsong apektado sa sinisingil sa buwis.

Kasabay nito, hinikayat ni Espino ang mga Municipal Mayor na suportahan ang Provincial Ordinance na nagsusulong ng karagdagang singil sa buwis.

Speak Your Mind

*