Ama ni Sally Ordinario-Villanueva.., personal na nakaharap ni Gov. Espino.

Personal na nakausap ni Geronimo Ordinario ang ama ni Sally Ordinario-Villanueva na binitay sa China noong miyerkules dahil sa kasong drug trafficking si Gov. Amado T. Espino sa pagdating nito sa Lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshineradio, kinunpirma ni Geronimo na hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap ng tulong mula sa pamahalaan maliban lamang sa una ng ipinagkaloob ng Department Of Social Welfare And Development O DSWD.

Sinabi naman ni Ordinario na nangako na ng tulong ang pamahalaan Lokal ng Pangasinan lalo na sa dalawang naulilang anak ni Sally.

Kasabay nito, inihayag naman nito na malaking aral ang kanyang natutuhan sa nangyari sa kanyang anak at sanay maging aral narin sa mga kababayan nating nangingibang bansa.

Speak Your Mind

*