Bangus Festival 2011…, pormal ng nag-umpisa ngayong araw.

Dagupan City – Pormal ng nag-umpisa ang selebrasyon ng 2011 Bangus Festival dito sa Lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Maximo Tan, Chairman ng Bangus Festival, inumpisahan ito sa pamamagitan ng isang mesa sa Saint John Cathedral at sinundan ito ng maikling programa sa City Museum.

Sa ngayong nagpapatuloy parin ang Bangus Festival Motorcade na ang assembly ay isinagawa sa Eternal Garden ganap na ika- sampu ng umaga at magtatapos sa City Plaza.

Sinabi ni Tan na mag-uumpisa na rin ang ibat-ibang panoorin sa City Plaza kung saan araw-araw may aktibidad sa lungsod hanggang sa mayo 1.

Samantala, tiniyak naman ni Public Order and Safety Office o POSO Chief Robert Erfe Mejia ang kapayaan at kaligtasan ng mga dagupenyo sa pagdiriwang ng Bangus Festival.

Sinabi pa ni Mejia, na bukod sa Dagupan PNP, at POSO, mayroon ding isandaang volunteers ang tutulong sa pagbabantay sa kaayusan ng lungsod.

Speak Your Mind

*