Bilang ng mga Pangasinense na gustong magtrabaho sa ibang bansa…., bumaba

Inihayag ng Provincial Employment Services Office (PESO) ng Lalawigan ng Pangasinan na bumaba sa limampung porsyento ang bilang ng mga Pangasinense na gustong magtrabaho sa ibayong dagat.

Ito ay batay umano sa kanilang isinagawang Job Fair kamakailan kung saan kunti lamang ang dumalo.

Ayon kay Alex Ferrer, PESO Chief sa Pangasinan, posibleng natatakot ang mga ito na mapunta sa bansang magugulo kabilang na ang bansang Afghanistan, Iraq, Lybia at iba pang bansa.

Ngunit sa kabila nito, inihayag ni Ferrer na patuloy parin ang pagpapadala ng PESO ng mga manggagawa sa Quatar, Saudi Arabia at United Emirates.

Speak Your Mind

*