DTI Pangasinan…, kinumpirma ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

Dagupan City – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI-Pangasinan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Lalawigan.

Ayon kay DTI Provincial Director Peter Mangabat, base sa monitoring na kanilang isinagawa, labing anim na basic items, kabilang na ang gatas, kape, tinapay, de lata, noodles at sabong panlaba ay tumaas ang presyo.

Nilinaw naman ni Mangabat na wala silang ipinalabas na price control, ngunit ang Suggested Retail Price o SRP ay itinakda ng DTI at mga manufacturers na nagsilbing price reference na ipinatupad sa buong bansa.

Ngunit iginiit ni Mangabat na anumang hindi makatarungang pagtaas sa presyo ay iimbestigahan ng DTI at ang sinumang lalabag sa Philippine Price Act of 1992 ay siguradong mapaparusahan.

Speak Your Mind

*