Gov. Espino…, nagbabala sa mga pangasinense kaugnay sa mga illegal recruiter

Nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga Pangasinense na mag-ingat sa mga illegal recruiter.

Ito ay upang hindi umano matulad sa nangyari kay Sally Ordinario-Villanueva, na hinatulan ng bitay sa China dahil sa kasong drug trafficking.

Sinabi ni Pangasinan Gov. Amado T. Espino Jr., na huwag basta-basta maniwala sa mga illigal recruiter dahil posible rin silang malagay sa alanganin at mabibiktima ng mga ito.

Ayon pa kay Espino, personal niyang inimbitahan si Geronimo Ordinario, ang ama ni Sally para makalakap ng impormasyon sa nangyari kay Sally at para narin matanong kung ano ang tulong na maaring maibigay ng provincial government dito.

Samantala, sinabi naman ni Geronimo, na mayroon pang ibang involve sa nangyari sa kanyang anak at maaring may iba pang kababayan natin ang  mabiktima ng mga illegal recruiter.

Speak Your Mind

*