P7.75 milyong piso supplemental budget.., ipinasa na para sa 31 barangay sa lungsod ng Dagupan.

Buong pusong ibinigay ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan sa ginanap na sesyon, ang kanilang suporta sa 31 Barangay sa pamamagitan ng pagpasa ng P7.75 milyong piso Supplemental Budget.

Sinabi ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez na ito ang katuparan ng kanilang ipinangako na hindi sila magiging hadlang sa mga nais na gawing proyekto ng iba’t-ibang sektor ng syudad gaya ng mga liga ng barangay basta dumaan sa tamang proseso at paliwanag ang kanilang kahilingan.

Aniya, ang pondo ay magmumula sa unappropriated budget para sa 2011 na P81 milyon, na ang ibig sabihin ay ang sobra na hindi naka budget.

Idinagdag pa ni Fernandez, mapupunta ang P4.65 milyon sa mga 31 barangay na gagastusin nila sa kanilang partisipasyon sa gilon- gilon street dancing para sa bangus festival habang P3.1 milyon naman ay para sa social and health services gaya ng paglinis sa kanilang drainage at fogging operation para labanan ang dengue.

Speak Your Mind

*