Turismo…, target sa selebrasyon ng Mother of all Festival sa Pangasinan

Tampok ngayon sa pagdiriwang ng Pistay Dayat sa lalawigan ng Pangasinan ang mga sikat na produkto at tourism sites.

Ito ay pamamagitan ng isasagawang Tourism and Trade Expo sa Provincial Development and Training Center sa Capitol Compound mula Abril a-beynte singko hanggang mayo a-dos.

Ayon kay Maria Luisa Elduayan, ang Provincial Tourism Officer, maliban pa sa One-Town-One-Product Enterprise ng bawat bayan at syudad ng Pangasinan, ay maitatampok din ang mga prime tourist destinations at recreational facilities and services.

Sinabi pa ni Elduayan na naging tradisyon na sa pagdiriwang ng pistay dayat na ihatid ang pinakamasarap na produkto at pinakamamagandang tanawin sa lalawigan at tinagurian ito bilang “mother of all festivals sa Pangasinan.”

 

Speak Your Mind

*