Pesion Plan ng mga Senior Citizen…., natanggap na sa bayan ng Sta. Barbara

Umaabot sa animnapung mga Senior Citizen sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang mapalad na mapabilang sa programa ng gobyerno na Senior Citizen Pension Program.

Ito ang inihayag ni Municipal Social Welfare and Development o MSWD Officer Wilma Cocquia, ng nasabing bayan.

Sinabi pa ni Cocquia na nakatanggap ng tig-P1,500 ang mga senior citizen na napabilang sa nasabing programa ng DSWD.

Dahil dito, lalo pa umanong pinag-ibayo ng mga kawani ng MSWD ng bayan ng Sta. Barbara ang pangangalap nila ng mga impormasyon sa mga kabahayang kanilang nasasakupan para imonitor kung ilang pa ang dapat mapabilang sa programa ng gobyerno na Senior Citizen Pension Program.

Speak Your Mind

*