Presyo ng gulay at isda sa Lungsod ng Dagupan…, nag-umpisa ng tumaas.

Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin dito sa lungsod ng Dagupan lalo na ang presyo ng isda at gulay pagsapit ng huwebes hanggang sabado santo bunsod sa pagdiriwang ng semana santa.

Karaniwang tumaas ang presyo ng bangus at gulay galing sa Lungsod ng Baguio sa ilang bahagi ng pamilihan dito sa lungsod.

Tumaas naman ng limang piso kada kilo sa presyo ng karne ng baboy kumpara sa inaasahan dahil sa magiging kokonti ang demand.

Samantala, inaasahan naman pagkatapos pa ng mahal na araw babalik ang presyo ng kalakalan dito sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*