Real Property Tax na ipinapatupad ng Pangasinan Government.., inirereklamo ng mga magsasaka

Dagupan City – Nakakaalarma umano ang pahayag ng ilang magsasaka ng mais sa Lalawigan ng Pangasinan na gusto na nilang ibenta ang kanilang mga sakahan dahil sa pagtaas ng buwis na kanilang babayaran.

Ito ang inihayag ni Abono Partylist Founding Chairman Rosendo So sa ginanap na Media Forum ng Pangasinan Press Club (PPC) sa Pedrito’s Restaurant sa Lungsod ng Dagupan.

Ayon kay So, ilang mga magsasaka ng mais ang lumapit sa kanyang kung saan inirereklamo na hindi nila kayang bayaran ang kanilang Real Property Tax dahil sa sobrang taas.

Samantala, maging si Leo Sy, Presidente ng Chamber of Real State and Builders Association, Inc. Pangasinan Chapter, ay nagsabi na kuwestyunable ang batas na ipinasa ng Sanggunian Panlalawigan dahil wala itong isinagawang konsultasyon sa ibat-ibang grupo.

Wala din umanong nakitang publication sa mga pahayagan na isa sa mga requirement ng Local Government Code bago ipatupad ang isang panukalang batas.

Speak Your Mind

*