River Cruise sa Dagupan City…, dagdag tourist attraction sa lungsod.

Dagupan City – Inihayag ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan, Pangasinan na nairelocate na o nabigyan na matitirahan ang mga illegal settlers na nakatira sa tabi ng tulay sa Dawel River.

Ayon kay Dagupan City Mayor Benjie Lim, bibigyan din ng pagkakataong magtrabaho bilang river crews at river duck ang mga ito sa bahagi ng dawel area kung saan itatayo ang river cruise.

Samantala, sinabi naman ni Lim na ang nasabing river cruises ay para sa mga gustong mamasyal sa kailugan ng lungsod at gustong makatikim ng inihaw na Bonuan Bangus.

Bukas naman umano sa lahat maging sa mga private sector ang magtayo ng negosyo sa nasabing lugar na maituturing na dagdag tourist attraction sa Lungsod tulad ng Tondaligan Beach.

Speak Your Mind

*