Singil sa karagdagang buwis.., alinsunod umano sa batas.

Iginiit ni Provincial Administration Raffy Baraan ng Lalawigan ng Pangasinan na sumusunod lamang ang Provincial Government sa  Memorandum Circular na ibinaba ng Department of Local Government o DILG at Department of Finance o DOF noong October 20, 2010.

Ayon kay Baraan, ito ang dahilan kung kaya nagpasya na ang probinsya ng Pangasinan na singilin na ang karagdagang real property tax o RPT na matagal nang ipinagpalibang ipatupad.

Nabatid na tatlong taon na ang nakalipas mula ng ipagpaliban ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa dahil sa kalamidad na tumama sa lalawigan na siyang lubhang naka-apekto sa hanapbuhay ng mga magsasaka.

Sinabi pa ni Baraan na taong 2003 ang pinakahuling implementasyon ng singil sa karagdagang buwis at dapat umanong nasundan ito noong 2006, 2009 at masusundan pa sa taong 2012.

Speak Your Mind

*