Trade Expo sa Pangasinan.., tampok sa pagbubukas ng Pistay Dayat 2011.

Pormal ng binuksan kahapon Abril a-bente singko ang selebrasyon ng Pistay Dayat 2011 ng lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y sa pamamagitan ng trade fair kung saan itinatampok ang mga obra maestra at larawan ng mga Pangasinan Artist sa “Panagarte La Art Exhibit” at mga ibat-ibang produkto sa Tourism and Trade Expo sa Pangasinan Training and Development Center sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Balong Lingoyen, layunin ng Trade Expo na ipromote ang mga produktong ipinagmamalaki ng Pangasinan tulad ng bagoong ng Lingayen, daing ng San Fabian, puto ng Calasiao, mangoe product, handicraft, wood craft, souvenir items, mga ornamental plants at iba pa.

Samantala, ang nasabing Trade Expo ay bukas sa publiko at tatagal hanggang may 2 kasabay sa pagtatapos ng padiriwang ng Pistay Dayat 2011.

Speak Your Mind

*