Business Tax Exemption sa mga private schools, colleges at universities sa lungsod ng Dagupan, haharangin sa pamamagitan ng asunto.

Tuloy ang laban ni Engr. Mac Arthur Samsom, Presidente ng Association ng Private Schools, Colleges at Universities sa Region 1 at Presidente ng University of Luzon sa umiiral na Business Tax Exemption sa lungsod ng Dagupan.

Una na umanong nakarating ang impormasyon kay Samson na natatakot ang pamunuan ni Dagupan City Mayor Benjamin Lim na ibalik ang mga nakolekta nang business tax buhat sa mga private schools, colleges and universities sa lungsod kaya haharangin umano niya ito.

Sinabi rin ni Samson na may nakarating sa kaniyang impormasyon na ibi-beto ni Mayor Lim ang kanilang adhikain kaya mapipilitan na siyang mag file ng kaso sa korte.

Iginiit ni Samson na layunin ng kaniyang ihahaing asunto ay upang malaman ng taong bayan na ang ini-impose na taxes sa lungsod ng Dagupan ay iligal.

Speak Your Mind

*