Electrical permit ng PLDT sa Bayan ng Binmaley.., hindi pinahintulutan.

Dahil sa hindi pagbabayad ng buwis kung kayat hindi pinahintulutan ng Pamahalang lokal ng Binmaley ang request ng Philippine Long Distance Telephone o PLDT na makakuha ng electrical permit para mapalawig ang kanilang linya ng telepono.

Inihayag ni Councelor Jeffrey Delos Angeles ang Chairman ng Committee on Laws and Ordinances ng nasabing bayan na kailangan munang magbayad ang PLDT ng tax upang mabigyan sila ng kaukulang electrical permit.

Iginiit ni Delos Angeles na simula ng mag-umpisa ang operasyon ng PLDT sa kanilang bayan ay hindi pa nagbabayad ng buwis ang nasabing kumpanya.

Ngunit upang masolusyunan aniya ang problemang ito, mas mainam umano na makipag ugnayan ang PLDT sa lokal na pamahalaan ng Binmaley.

Speak Your Mind

*