Governor Espino..,umalma sa pasaring ni BM Bince.

Umalma si Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr. sa mga pasaring sa kanya ni Board Member Alfonso Bince Jr. ng ikaanim na distrito ng Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa pahayag ng BM Bince na hindi umano nababahala si Governor Espino sa operasyon ng Jai Alai sa lalawigan.

Dahil dito sinabi ni Espino na walang katotohanan ang mga pahayag ni BM Bince at ito ay pawang pa pogi lang.

Matatandan na naging legal ang operasyon ng jai alai sa lalawigan ng Pangasinan matapos mabigyan ng kaukulang permit ng iba’t-ibang mayor sa lalawigan.

Speak Your Mind

*