Hidwaan sa pagitan ni Gov. Espino at BM Bince, malabo umano.

Malabo umanong magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga opisyal sa Lehislatura at Ehekutibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ito ang paniniwala si Pangasinan Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim, Jr. dahil nananatiling buo at nagkakaisa umano ang mga opisyal sa administation ni Governor Amado T. Espino Jr.

Sinabi pa ni Vice Gov. Calimlim, na ang mga mabababaw na isyu ay hindi magiging dahilan upang magkaroon ng lamat ang samahan nila na nagawa nilang magkaisa mula sa simula ng pamumuno nigov. espino.

Matatandaan na nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita si Govenor Espino at Board Member Alfonso Bince Jr. dahil sa isyu ng pagbibigay ng mayor ng permit sa Meridien Vista Gaming Corporation kaya nakapag-operate ang Jai Alai sa lalawigan. – Lorraine A. Caparros

Speak Your Mind

*