Implementasyon sa Revised Real Property Tax sa Pangasinan, wala ng makakapigil.

Tiniyak ng Provincial Government na wala ng makakapigil pa sa implementasyon ng Revised Real Property Tax sa Pangasinan.

Ito ay sa kabila ng pagbatikos ng ilang grupo tulad ng Abono Partylist at mga negosyante sa biglaang implementasyon nito ngayong taon.

Binigyang diin ng probinsiya na makatarungan ang enacted Provincial Ordinance no. 146-2010 na naging batayan sa batas ng New Local Government Section 219 ng Republic Act 7160 kung saan nasasaad na magkaroon ng general revision ng Real Property Assessment kada tatlong taon.

Ipinaliwang ni Provincial Administrator Raffy Baraan na hindi na nila maiiwasan ang pagpapatupad nito dahil sinulatan na umano sila ng Department of Finance at Department of Interior and  Local Government hinggil dito.

Matatandaan na walong taon na hindi naipatupad ang revision sa lalawigan dahil isinaalang-alang ang mga nagdaang kalamidad para sa kapakanan ng mga Pangasinense.

Speak Your Mind

*