Livelihood Financial Assistance ng Prov. Government…, malaking tulong.

Malaking tulong umano ang Livelihood Financial Assistance na ipinapautang ng pamahalaan ng lalawigan ng Pangasinan sa napiling cooperatiba.

Ito ay ayon kay Annabel Menesis Manager ng Womens Unity for Progress of Farmers ng Multi-Purpose Cooperative ng Mapandan. Isa sa mga nabiyayaan ng pagkakataon na makautang mula sa pondo ng probinsya.

Sinabi ni Menesis na nagsimula ang kanilang cooperative bilang isang womans group at may mahigit kumulang na p 70,000 na puhunan tatlong taon na ang nakalilipas. Ngunit sa ngayon, ang kanilang kooperatiba ay kasali na sa pitumput-pitong kooperatibang may naitalang isang milyong pesong assist.

Ayon pa kay Menesis may mahigit isang daang myembro ang womens unity ang tumatamasa ng biyaya ng isang kooperatiba lalo na ang mga magsasaka na nakakautang sa puonan na pagsasaka napakababang porsiento.

Speak Your Mind

*