Livelihood program.., inilaan para sa mga bakaw boys sa lungsod ng dagupan

DAGUPAN CITY – Maynakalaan na umanong livelihood program ang City Social Welfare Development ng lungsod ng Dagupan para sa mga batang mahuhuling nagnanakaw ng mga isda.

Sinabi ni Leila Natividad, ang Head ng City Social Welfare Department ng Dagupan, na nakaabot sa kanyang kaalaman na muling umatake sa lungsod ang mga bakaw boys o ang mga batang magnanakaw.

Bagamat trabaho umano ng pulisya ang paghuli sa mga batang kawatan ay presponsibilidad parin umano nila ito lalo na ang mga batang menor de edad.

Dahil dito, kakausapin umano ni Natividad ang mga magulang ng mga bata dahil imbes na magnakaw ang mga batang ito ay matutukan sila sa ibang bagay tulad ng livelihood program.

Speak Your Mind

*