Mga estudyante sa bayan ng Bayambang.., nakikinabang sa summer job ng DOLE.

Apatnapung mga kabataan ang pinagkalooban ng dalawamput limang araw na Summer Job ng Department of Labor and Employment o DOLE at lokal na pamahalaan ng bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay Bayambang Municipal Administrator Dr. Romulo Velasques, tig-dalawang daang piso kada araw ang sahod na matatanggap ng mga nasabing estudyante kung saan ang 60% ng badget nito ay mula sa local na pamahalaan at ang 40% naman ay nagmumula sa Dole.

Layunin aniya ng nasabing programa na habang wala pang pasukan ay magkaroon na ng experience at pagkakakitaan ang mga estudyante at mahasa sila sa mga kursong kanilang kinabibilangan.

Dagdag pa ni Velasquez na ang mga naturang mga mag-aaral ay nagmula pa sa mga pampublikong eskwelahan ng bayambang kabilang na ang mga high school graduate at college level.

Speak Your Mind

*