Municipal Assessors at Treasurers ng Pangasinan…, tudo suporta sa pagpapatupad sa real property tax.

Inihayag ng mga Municipal Assessors at Treasurers ng lalawiganang kanilang suporta sa Pamahalaan ng Panlalawigan ng Pangasinan hinggil sa karagdagang singil sa revised real property tax.

Dahil dito, pinasalamatan ni Gov. Amado T. Espino jr ang mga LGU’s para sa kanilang suporta, kahit aniya sa umpisa ay mahirapipaunawa sa publiko ang pagtaas ng buwis dahil ang kautusan ay nanggaling pa sa national government at hindi lang sa lokal na gobyerno.

Kasabay nito, iniulat ng mga Municipal Assessors kay Espino ang estado ng kanilang implementasyon sa kani-kanilang bayan at kung paano tumugon ang mga mamamayan sa pagtaas ng buwis.

Ipinaliwanag naman ni Gov. Espino sa mga municipal assessors ng lalawigan na ang pagtaas ng buwis ay masusing pinag-aralan ang legalidad, at hindi kailanman naging mapang-abuso ang bagong singil sa RPT.

Speak Your Mind

*