No prescription, no dispensing sa anti TB drug sa Dagupan City

Isinusulong ni Dagupan City Councilor Jesus Canto ang ordinansang magbabawal sa pagsusuplay o pagtitinda ng gamot na para sa sakit na Tuberculosis o TB.

Sa ordinance no. 444, layunin nitong ipagbawal ang pagtitinda o pagsusuplay ng anti tuberculosis drug sa lahat ng drug outlets sa dagupan na walang preskripsyon o reseta galing sa doctor.

Sinabi ni Canto na layunin ng ordinansang ito na maprotektahan ang maysakit na tb, dahil kung mali ang gamot na mabibili nila, maaring mauwi ito sa kapahamakan o mas lalong lalala pa.

Dagdag pa ni Canto na hindi dapat ikahiya sa pamilya at sa publiko ang sakit na tb, sapagkat magagamot na ito kung agad itong maagapan.

Speak Your Mind

*