Paglilibing sa libingan ng mga bayani kay dating pangulong Marcos…, napapanahon na umano.

Napapanahon na umano na pag-usapan ng Sanguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang rekomendasyon ng probinsya sa paglilibing kay yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga libingan ng mga bayani.

Ayon kay Board Member Vonmark Mendoza ng ikalawang distrito, isang mahalagang bagay na maging bahagi ang probinsya sa usapin lalo nat ang lalawigan ng Pangasinan ay kasali sa region 1 na kinakabilangan din ng ilocos norte na lalawigan ng yumaong Pres. Marcos.

Kaugnay nito, isang proposed resolution ang nakatakdang talakayin sa sangguniang panlalawigan sa darating na lunes na kung saan itoy mag-re-rekomenda kay President Noynoy Aquino na payagan na si Marcos na mailibing sa libingan ng bayani.

Sa naturang resolusyon, sinabi ni Bm Alfonso Bince Jr na karapatan na mailibing si Marcos sa libingan ng mga bayani dahil pasado naman ito sa mga dapat ilibing sa libingan ng mga bayani.

Idinagdag pa ni Bince na ang pagkapanalo ni Bongbong Marcos bilang senador, Imee Marcos bilang gobernador at kanilang  ina na si Imelda Marcos bilang congresista ay isang tanda ng kapatawaran at pagtanggap muli ng mga pilipino sa pamilya Marcos.

Speak Your Mind

*