Pagtaas ng bayarin sa real property tax .., tanggap na sa bayan ng Sual.

Tanggap na umano ng mga mamamayan ng bayan ng Sual, Pangasinan ang pagtaas ng bayarin sa real property tax,

Ayon kay Sual Assessor Nely Pastor, ito’y dahil sa patuloy na pamamahagi ng local na pamahalaan ng Sual ng impormasyo ukol dito.

Sinabi pa ni Pastor, na kahit magmukhang makulit ang kanyang tanggapan sa pagpapaalala sa pagtaas ng assessments sa real property tax, ay patuloy pa rin nilang ipinaiintindi hanggang sa lubos na maunawaan ng kanilang mga kababayan.

Samantal, umapela si Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim Jr., sa mga local na opisyal na patuloy na tulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na maipaabot sa lahat ng pangasinense ang bagay na ito dahil ang pagbabayad sa RPT ay isa umanoy “shared responsibility.”

Kaugnay nito sinabi naman ni Gov. Amado Espino Jr. na pinag aralan narin ng probinsya ang datos ng iba’t ibang lalawigan para sa mas malawak na pagsusuri.

Speak Your Mind

*