Red Cross Pangasinan Chapter., nakiisa sa selebrasyon ng World Red Cross Day.

Sinimulan na ng Philippine National Red Cross Pangasinan Chapter ang pagsasagawa ng ilang civic and medical programs sa lungsod ng Dagupan bilang bahagi ng selebrasyon ng World Red Cross Day sa Mayo a-otso.

Una rito ang ground breaking sa phase 2 ng transitional shelter program, kung saan isang daan tatlumpung housing units ang ipinamahagi sa mga residente ng bonuan.

Sinundan ito ng three-day free blood typing at blood pressure measurement na ginanap naman sa CSI City Mall Atrium sa barangay Lucao.

Habang mahigit isang daan at limampung donors naman ang nag-donate ng kanilang dugo bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang.

Speak Your Mind

*