San Carlos City Jail…, mas hihigpitan ang seguridad ng mga preso.

Mas hihigpitan ngayon ng pamunuan ng San Carlos City Jail ang pagbabantay sa kanilang mga detainees upang masigurong walang puwedeng lusutan ng mga presong nais tumakas.

Ito ay kasunod ng nangyaring sunud-sunod na pagtakas ng mga preso sa provincial jail sa bayan ng lingayen, pangasinan.

Ayon kay Atty. Kenneth Bid-Ing, ang Jail Warden ng San Carlos City Jail, bente kwatro oras ang kanilang pagbabantay sa mga inmates at regular din ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga selda.

Sinabi pa ng jail warden na ang City Jail ng San Carlos ay merong mahigit dalawandaang inmates at mahigit kinse rito ay mga babae.

Speak Your Mind

*