Sisterhood Relationship, pinatatag ng San Carlos City at Negros Occidental Government.

Pumirma sa isang kasunduan kahapon sina Silay City Mayor Jose Montelibano ng Negros Occidental at San Carlos City Mayor Julier Resuello ng Pangasinan, upang itatag ang isang “Sisterhood Relationship”.

Layunin ng dalawang alkalde na mapalakas ang kanilang samahan at magkaroon ng unawaan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman sa Science and Technology, Culture and Arts, Tourism, Planning and Urban Development, Trade and Industry, Education and Sports Development, Environmental Protection at Public Health and Social Services.

Nagpasalamat naman si Resuello sa mga Silaynons kasama ang mga iba pang opisyal ng San Carlos, sa kanilang pagdalaw sa Silay City, dahil binigyan sila ng pagkakataon na makasama ang mga opisyal ng naturang siyudad.

Speak Your Mind

*