Sugal na Jai Alai.., front lang umano ng mga kubrador ng jueteng sa lalawigan ng Pangasinan.

Nadiskumbre ng Provincial Police Office ng Pangasinan na ginagawang front ng mga kubrador ng jueteng ang sugal na jai alai.

Ayon kay PNP Pangasinan Deputy Provincial Director for Operations Supt. Paquito Navarete, modus daw ng mga ito na magpataya sa jai-alai subalit ang nakukuhang pera ay ginagawang pataya para sa sugal na jueteng.

Dahil dito, sinabi ni Navarete pagkakahuli nila sa ilang mga kubrador ng jueteng sa ilang bahagi ng lalawigan ay patunay na laganap parin ang illegal na sugal sa pangasinan.

Matatandaang kinumpirma ni Binmaley Mayor Lorenzo Cerezo na pinirmahan niya ang permit upang makapag operate ng jai alai sa kanilang lugar dahil sa pangungulit umano ng kinatawan ng Miridiem Vista Gaming Corporation.

Speak Your Mind

*