Supply ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan.., matatag ayon sa NFA.

SAPAT ang supply ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan, ito ang kinumpirma ni NFA Eastern Pangasinan Manager Nicanor Rosario.

Ayon kay Rosario, base sa kanilang monitoring maganda ang naging ani ng palay nitong nakalipas na unang quarter ng taon.

Idinagdag pa ni Rosario na ang hindi pagbago-bagong presyo ng commercial rice sa mga pamilihan, ay patunay na patatag ng supply ng bigas.

Sa ngayon ang presyo ng bigas ay pumapalo sa P30 hangang P36 kada kilo depende sa klase nito.
Una nang itinanggi ng opisyal na mayroong anumalya sa loob ng kanilang tanggapan na kabilang sa sinasabing ilegal rice traders sa bansa. – Lorraine Caparros

Speak Your Mind

*