Illegal fishcages sa bahagi ng Kakakiputan Channel sa Pangasinan, binubuwag na.

Binubuwag na ang mga illegal na fish cages sa bahagi ng kakiputan channel sa lalawigan ng Pangasinan.

Matatandaang matagal ng may rekomendasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na alisin ang mga illegal na fish cages sa lugar dahil dito isinisisi ang hindi magandang daloy ng tubig na nagiging dahil ng nagpapababa sa dissolve oxygen level.

Iginiit pa ng BFAR na sakaling bumaba ang dissolve osygen level sa tubig ay doon nagkakaroon ng fish kill o malawakang pagkamatay ng mga isda.

Samantala, hirap naman ang mga otoridad sa pagbaklas sa mga fish cage dahil sa malalim na pagkakabaon ng mga kawayan habang kinapitan na rin ng dumi ang mga lambat.

Speak Your Mind

*