Isang Barangay Captain sa Lingayen, arestado dahil sa kasong illegal possesion of firearms.

Arestado ang barangay captain ng Brgy. Maniboc sa bayan ng Lingayen dahil sa kasong illegal possesion of  firearms.

Nakilala ang suspek na si Roderick Padilla ng Barangay Maniboc sa nasabing  bayan.

Ayon sa pulisya, inireklamo si Padilla ng ilan nitong kasamahan na umaali-aligid sa kanilang mga bahay at nagpaputok pa gamit ang kanyang kalibre 45 na baril.

iginiit nina Cherry Cruz, Erlinda Tandoc at Sammy Ferrer, na nagdulot ng pangamba at takot sa kanila ang ginawa ng kanilang kapitan.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa insidente habang nasa kustodiya pa rin ng mga otoridad si Padilla.

Speak Your Mind

*