Sabay-sabay na pagkain ng bangus sa lungsod ng Dagupan.., isinagawa.

DAGUPAN CITY – Upang mapatunayang ligtas kainin ang bangus Dagupan, matapos ang pananalasa ng fishkill sa Western Pangasinan, isang “mini kalutan ed dalan’ ang isinagawa kahapon ng Pamahalang Panglungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dagupan City Mayor Benjie Lim, layunin nitong patunay na hindi kailanman naapektuhan ng fishkill ang bangus Dagupan.

Iginiit pa ni Mayor Lim na walang dapat ikabahala ang mga dagupenyo sa pagbili at pagkain ng pinaka-masarap na bangus sa bansa.

Idinagdag pa ni Lim na ginawa nila ito dahil naapektuhan na ang bangus industry sa lungsod dahil sa nangyaring fishkill.

Nabatid na mahigit sa 1,000 piraso ng bangus, talaba at tahong ang sabay-sabay na iihaw sa mga bangus grill na ginamit para sa nasabing okasyon.

Speak Your Mind

*