Social Networking Sites.., isinusulong ng Provincial Government para sa public awareness.

Isinusulong ngayon ng Provincial Government ng Pangasinan ang paggamit ng mga social networking sites upang mas higit na mapalakas ang Public Awareness at mai-promote ang mga programa ng probinsya sa pamumuno ni Gov. Amado T. Espino Jr.

Ito ay inilunsad  matapos ang isinagawang bloggers’ orientation seminar sa Pangasinan Development and Training Center na dinaluhan ng mga Provincial Department Heads, Chiefs of Hospitals, Administrative Officers at Staff ng Provincial Capitol.

Sinabi ni Vangie Padilla, isang social media specialist at resource speaker sa isinagawang orientation seminar, na iniutos na ni Gov. Espino na dapat ihatid sa mas mataas na level ng kalidad ng public service na ibibigay sa mahigit 2.6 million na Pangasinense sa pamamagitan ng paggamit ng social networking site sa internet gaya ng facebook, twitter at youtube.

Speak Your Mind

*