Tour Assistance Program ng Pangasinan Government, kinilala ng ibat ibang sektor ng probinsya.

Tumanggap ang Provincial Government ng Pangasinan ng mataas na komendasyon mula sa ibat ibang sektor ng probinsya at maging sa ibang lugar kaugnay sa di mapantayang Tour Assistance Program ng lalawigan.

Matatandaan na bumili ang probinsya ng anim na tourist buses at isang shuttle bus upang magamit sa pagbebenta ng mga tourism sites ng probinsya, na tinaguriang premier province sa buong Luzon.

Sinabi ni Erlinda Fernandez, ang consultant ng governor’s office, na sa tatlong taon ng paglulunsad ng mga nasabing tourist buses, dumadami ang bilang ng mga requesting parties na magamit ang transport service na ito nang libre.

Bunsod nito, umaabot na ng mahigit anim naputpitong libong grupo mula sa government and private entities ang nakinabang.

Dahil dito, umani ng din ng di-mabilang na pagpupuri at pasasalamat ang lalawigan ng pangasinan sa pamumuno ni Gov. Espino.

Speak Your Mind

*