Anti-Smoking Ban, ipinatutupad na rin sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Ipinatutupad na sa bayan ng Laoac, Pangasinan ang Municipal Order Number na 104-004 o mas kilala bilang Local Anti-SmokingĀ  Ban kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang panigarilyo sa mga sasakyan at pampublikong lugar sa buong bayan.

Nakapaloob sa ordinansa na ang sinumang lalabag at hindi susunod sa nasabing ordinansa ay may karampatang multa.

Nabatid na ang unang opensa ay mag-mumulta ng limang daang piso at sa pangalawa naman ay isang libong piso at sa pangatlong pagkakataon ay may multang dalawang libong at limang daang piso

Dahil dito, mahigpit na banalaan ang mga otoridad ang mga mamamayan na mag-ingat na makagawa ng paglabag sa nasabing ordinasa upang maiwasan na mapatawan ng multa.

 

Speak Your Mind

*