Bayan ng Balungao, napanatili ang zero record sa kaso ng sakit na dengue.

Nananatiling walang kaso ng dengue ang bayan ng Balungao, Pangasinan ayon sa pinakahuling talaan ng Provincial Health Office.

Batay sa ulat ng PHO, ito lamang ang bayan sa lalawigan na napanatili ang zero record sa dengue mula noong nakaraang taon.

Ang mga bayan ng Burgos at San Quintin na wala ring kaso dengue sa nakaraang taon ay may tig-aapat nang kaso ng dengue ngayon, habang isa lang sa bayan ng Bautista.

Samantala, nangunguna ang syudad ng Dagupan sa may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue ayon sa PHO, kung saan pumalo ito sa 175 na pasyente at mas mataas sa 113.4% kumpara sa nakaraang taon.

Pumangalawa naman ang bayan ng Bolinao sa Western Pangasinan na may naitalang siyam na pung kaso ng dengue at hamak na mas malaki ang itinaas sa nakaraang taon na umabot sa 170% ang naitalang pagtaas.

Speak Your Mind

*