Dagupan-Weather Forecaster, pabor na gawing buwan ng Setyembre ang pagbubukas ng klase

Pabor si Dagupan-Weather Forecaster Greg De Vera na ilipat sa buwan ng Setyembre ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni De Vera na ito ay para maiwasan ang palagiang suspension ng klase bunsod ng mga malalakas na pag-ulan na dala ng bagyo na bumibisita sa bansa taun-taon.

Bukod pa sa malaking tulong din umano ito sa mga magulang dahil maaaring makatulong ang mga bata sa pagsasaka ng kanilang mga magulang.

Nilinaw naman ni De Vera na may protocol silang sinusunod base sa kanilang Public Storm Warning Signal ngunit ang mga Local Government Unit O LGU aniya ang may karapatang magdeklara ayon sa kalagayan ng kanilang lugar.

Speak Your Mind

*