Ga-Monster na basura sa Lungsod ng Dagupan, posibleng mabigyan na ng solusyun.

Aminado ang City Waste Management and Division Office ng Dagupan na malaking hamon sa kanilang tanggapan ang ga-monster na pagdami ng basura sa Lungsod kung saan umaabot sa siyamnapung tonilada ng basura ang dinadala sa Dagupan Dumpsite bawat araw.

Ngunit, iginiit ni CWMD Chief Teddy Villamil sa panayam ng Sonshineradio na hindi sila tumitigil para masolusyonan ang problema sa basura kung saan malaki umano sa bahagi ng basura sa dagupan ay nagmumula sa mga karatig na bayan na bumabagsak sa lungsod lalo na kung maroong kalamidad dala ng pagtaas ng tubig sa mga estero, drainage canal, palaisdaan at maging sa mga ilog.

Bukod pa aniya dito ang mga basurang nagmumula sa isinasagawang mga clean up drive ng mga NGO’S kabilang na ang Sonshine Philippines Movement at ang driging sa lahat ng ilog sa lungsod na nakakakuha ang toni-tonidang basura.

Ganumpaman, umaasa si Villamil na dahil sa ipinatutupad ngayong “Segregation Policy” ay mababawasan na ang basura sa lungsod sa pakikipagtulungan na rin ang mga dagupenyo sa pamamagitan ng waste segregation, Reduce, Reuse, at Recycle.

Speak Your Mind

*