Gov. Espino, personal na tiningnan ang kondisyon ng mga pasyente sa Pangasinan Provincial Hospital.

Personal na nag-ikot si Pangasinan Governor Amado T. Espino jr sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) na nasa pamamahala ng Provincial Goverment ng Pangasinan.

Isa isang tiningnan ng gobernador ang kundisyon at problema ng mga pasilidad at mga pasyente mismo sa mga nasabing ospital upang mabigyan ng kaukulang sulosyon.

Ayon pa kay Espino, kalunos-lunos ang kalagayan ng PPH na meron lamang 47 pasyente noong una siya ay unang naupong gobernador ng lalawigan pero ngayon ay may 150 bed capacity na ito.

Dadil ditto, malaki rin umano ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga doctor at nurse sa nasabing ospital dahil umabot na sa 480 ang actual na bilang ng mga pasyente dito.

Kasabay nito sinabi ni Espino, magtatayo pa ng dalawa pang ward sa Pangasinan Provincial Hospital sa Bolingit San Carlos City matapos makapagtayo ng gusali para sa laboratoryo at geriatic ward.

Speak Your Mind

*