Hurrican Irene, patungo na sa New England, labing lima katao, iniwang patay.

Nagbabanta na ngayon sa Hilagang Silangan ng New England ang Hurricane Irene na unang nanalasa sa anim na estado ng Amerika.

Ang pinakamatinding pinsala ang iniwan ng Hurricane Irene sa New York City kung saan dalawang milyong kabahayan ang bumagsak ang linya ng koryente.

Bago pa man manalasa ang Hurricane Irene sa New York, nag-shutdown na ang ilang mga paliparan, subways at negosyo

Sa ngayon humina na ang Hurricane Irene at nasa tropical storm na lamang, ngunit nagbanta pa rin ang mga kinauukulan sa hagupit nito.

Sa pananalasa ng Hurrican Irene, umabot sa 15 katao ang namatay sa anim na estado ng Amerika.

Speak Your Mind

*