Industriya ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan, binabantayan ng BFAR at Provincial Government.

Nagkaisa ang mga pangunahing aquaculture stakeholders sa lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng Provincial Government at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region I.

Ito ay upang gumawa umano ng komprehensibong plano na magpapalakas sa industriya ng bangus sa probinsya kung saan labis na naperwisyo ito dahil sa fishkill noong nakaraang buwan ng Mayo.

Nagbigay naman ng commitment ang lahat ng mga stakeholders upang suportahan ang nasabing comprehensive plan.

Naghain naman si BFAR Regional Director Nestor Domenden ng ilang technological packages upang makaiwas sa anumang banta sa pangunahing kalakal ng lalawigan.

Ayon pa kay Domenden na kailangang mag-adopt ng systematic strategy at binigyang diin nito na kailangang may pagkakaisa ang mga stakeholders upang mapanatili ang magandang kalakalan ng bangus dito sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*