Industriya ng Bangus sa lungsod ng Dagupan, pinipilit maibangon.

Dapat pagkaisahan ang muling pagsigla ng industriya ng bangus sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay upang maisalba umano sa tuluyang pagkalugi ang industriya ng Bangus matapos tamaan ng fishkill ang lalawigan ng Pangasinan noong buwan ng Mayo.

Sinabi ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez na sa loob ng nakalipas na tatlong weekends ay nagsasagawa siya ng pagtitinda ng bangus sa parking lot ng CSI Mall sa Barangay Lucao.

Ayon kay Fernandez, tuluy-tuloy ang weekend bangus market sale nila sa CSI Mall na pagmamay-ari ng kanyang pamilya hanggang sa tuluyang manumbalik ang sigla ng bangus industry na labis na nahirapan dahil sa nangyaring fishkill na tumama sa Western Pangasinan.

Bagamat hindi apektado ng fishkill ang Dagupan ay labis ding nalungkot ang mga bangus producers at iba pang negosyante sa matumal na bentahan nito dahil sa mababang presyo pa rin hanggang ngayon.

 

 

 

Speak Your Mind

*