Livelihood Assistance Program ng Provincial Government, nagpapatuloy.

Muling iginawad ng Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Population Office ang halagang 2.4-million pesos para sa dalawampu’t isang Women’s Association and Cooperatives mula sa ibat ibang bayan ng Pangasinan sa ilalim ng Livelihood Assistance Program ng probinsya.

Personal na ibinigay ni Governor Amado T. Espino, Jr., ang cheke ng bawat grupo at hinihikayat niya ang mga beneficiaries na gamitin nang mahusay ang pera upang umunlad ang kanilang mga kooperatiba at negosyo.

Sinabi ni Victorina Bañez, ang Population Program Officer IV, na ang loan assistance na ito ay layuning palakasin ang mga entrepreneurial ventures ng ibat ibang women’s groups sa pangasinan at maging productive partners ng probinsya sa pagbabago at mapaangat ang kabuhayan ng bawat Pangasinense.

Speak Your Mind

*