Mga presyo ng pangunahing bilihin, agad na tumaas sa Pangasinan dahil sa bagyong mina.

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Mina, nalubog naman sa tubig baha ang mga pananim at hindi mapalaot ang mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan.

Bunga nito, agad na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan kung saan halos doble ng presyo ng mga gulay at isda ngayon.

Agad tumaas sa bente pesos ang mga gulay na carrots na sa dati’y 15 pesos kada kilo ngayon ay 40 pesos na, ang sampung pisong sayote umabot na hanggang 20 pesos, habang ang kada taling saluyot umabot na sa 20 pesos mula sa 5 pesos.

Samantala, kumunti din ang supply ng mga isda sa palengke, ang dati’y 80-90 pesos na bangus ngayon ay naging 90-100 pesos na ito, tumaas din ang kada kilo ng ilang mga isda sa pamilihan sa Pangasinan.

 

Speak Your Mind

*