Modern Rice Processing Complex sa bayan Sta. Barbara, inaasahang magiging fully operational na.

Sumasailalim na sa serye ng pagpapatakbo o ‘test run’ ang Modern Rice Processing Complex na matatagpuan sa Barangay Tebag, Sta Barbara Pangasinan kung saan inaasahang makapag-produce ito ng 2.5 metric tons per hour na premium-grade na bigas kung ito ay magiging fully operational na.

Ang Korean-Funded Plant na ito ay inilunsad upang mapagsilbihan ang mga magsasaka sa kanilang rice production mula sa mga bayan ng Sta Barbara, Calasiao, Mangaldan, Mapandan, Manaoag, Asingan, Malasiqui, Villasis, Rosales at Lungsod ng San Carlos at Urdaneta.

Ayon kay Department Of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na bumisita rin sa nasabing planta kamakailan, na isa itong magandang hakbang upang makamit ang vision ng kagawaran na maging “staple food sufficient sa taong 2013” ang bansa.

Samantala, pinasalamatan naman ni Gov. Amado T. Espino, Jr., na siyang kasama ng kalihim sa pag-inspeksyon planta, ang suporta  ng Department of Agriculture sa sa naturang makabagong proyekto.

Speak Your Mind

*