Nagsasagawa ng Drag Racing sa lungsod ng Dagupan, binalaan ng POSO.

Muling nagbabala ang Public Order and Safety Office (POSO) sa mahuhuling nagsasagawa ng drag racing o pagkakarerahan sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay dahil sa ordinasang ipinasa ng Sanggunian Panglungsod na isinulong ni Councilor Red Erfe-Mejia na tinaasan ang multa mula sa dating isang daang piso ay ginawa na itong dalawang libong piso sa unang paglabag, tatlong libo sa ikalawang paglabag at limang libo sa ikatlong paglabag at nakapaloob dito ang lahat ng uri ng behikulo.

Sa panayam ng sonshineradio, ipinaliwanag ni Dagupan City POSO Chief Robert Erfe-Mejia, na layunin ng batas na ito na matiyak ang kaligtasan at mailayo ang mga motorista sa hindi magandang bisyo tulad ng pustahan sa karerahan.

Binigyang diin pa ng Poso Chief na mababago pa o mas bibigat ang ipapataw na multa kung ang mga mahuhuli ay walang suot na helmit at walang maipakitang kaukulang mga papeles.

Speak Your Mind

*