P300 milyon na Flood Control Project ng DPWH, kumpleto na.

Nakumpleto na rin ang 300 million peso na Flood Control Projects na sinira ng mga bagyong Ondoy at Pepeng na pinondohan ng Japanese Government.

Ayon kay DPWH District Engineer Edgardo Paragas, ang pinakamalaki sa walong contract packages ng rehabilitation project na ito ay ang dike sa Barangay Narra at San Vicente sa bayan ng San Manuel na may halagang P120,264,380 na nakumpleto na noon pang buwan ng Hunyo.

Ang restoration ng nasirang dike sa Barangay Bantog, Asingan na may budget na P54 million ay nakumpleto na rin noong buwan ng Mayo.

Habang ang rehabilitation projects sa mga Bayan ng Umingan, San Quintin, San Nicolas, Villasis, Balungao, Mangaldan, Mangatarem, Bayambang, Sta Barbara, Calasiao, at Tayug, Pangasinan ay nakumpleto na rin.

Sa ngayon ay hinanahanapan pa ng pondo ang Phase 3 Flood Control Project sa bahagi ng Agno River mula sa bayan ng San Manuel hanggang Alcala at kailangan pa ng limang bilyong piso upang mapondohan ang proyektong ito.

Speak Your Mind

*