Pagbisita ni Gov. Espino sa PPH, nagbigay umano ng inspirasyon, kalagayan ng mga pasyente, kontrolado pa.

Nagsilbi umanong inspirasyon sa mga doctor at nurse maging sa mga pasyente ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa lungsod ng San Carlos ang ginawang pagbisita ni Pangasinan Governor Governor Amado T, Espino Jr. kahapon.

Sa panayam ng sonshineradio, inihayag ni PPH Director Dr. Jackson Soraino na ang ginawa ni Governor Espino ay pagpapakita lang ng pagmamahal nito sa mga Pangasinense.

Idinagdag pa ni Dr. Soraino na hindi lamang umano sa PPH umikot ang gobernador kungdi maging sa lahat ng mga pampublikong ospital na nasa ilalim ng pamamahala ng lalawigan upang tingnan ang kundisyon at problema ng mga pasyente.

Dahil dito, sinabi ni Dr. Soraino na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat dahil umabot na sa 480 ang actual na bilang ng mga pasyente, ngunit sa ngayon ay kontolado pa naman umano ito.

Speak Your Mind

*